-- Advertisements --
Sinuspendi ng Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) ang buong SOCCKSARGEN Marlins team dahil sa alegasyon ng game-fixing.
Ayon kay Senator Manny Pacquiao, founder ng MPBL, na titiyakin niyang masasampahan ng kaukulang kaso ang mga sangkot sa game-fixing.
Nakipag-ugnayan na rin sila s National Bureau of Investigation (NBI) para tuluyang masampahan ang mga suspek.
Pamumunuan muna ng senador ang koponan hanggang tuluyang malinisan ang mga ito.