-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Humihingi na ng tulong sa national government ang industriya ng baboy sa rehiyon ng Soccsksargen upang makabili ng mga bagong breeders na hindi apektado ng ASF sa Luzon at Visayas para muling buhayin ang industriya.

Ipinaliwanag ni Dr. Antonio Marin, ang adviser ng South Cotabato Swine Producer Association, na dalawampung porsyento na lamang ng populasyon ng baboy ang natitira sa mga piggery farm sa rehiyon.

Aniya, hindi dahil naapektuhan ng african swine fever ang mga baboy, kundi dahil sa takot ng mga producers kung kaya’t napilitan silang bawasan ang bilang ng mga alagang baboy.

Ayon dito, may ilan ang tuluyan nang isinara ang kanilang piggery. Sinadya umano nilang bawasan ang kanilang mga alagang hayop dahil walang kasiguraduhan na maaapektuhan sila ng African swine fever.

Tinatayang walumpong porsyento ng populasyon ng baboy ang nawala at pumasok ang imported na karne.

Dagdag pa ni Dr. Marin, na ang rehiyon noon ay makakapagpadala pa ng 35,000 na mga baboy sa ibang lugar kada buwan ngunit ngayon ang mga baboy na nagmumula sa lungsod at mga karatig probinsya ay nasa 10,000 na lamang at hindi na makalabas ng rehiyong