Mahigpit ng ipinatutupad ng pamunuan ng MRT-3 ang “social distancing policy” sa lahat ng bumibiyaheng train ngayong umiiral na ang community quarantine sa Metro Manila
Ayon sa Department of Transportations (DOTr) nag paskil na sila ng mga paalala ukol sa ‘social distancing policy’ sa lahat ng istasyon bilang tugon sa pagpapatupad ng general guidelines na inilatag ng Department of Transportation (DOTr) laban sa COVID-2019.
Ayon kay Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) Director for Operations Michael Capati, kinakailangan magkaroon ng isang metrong distansiya ang mga pasahero sa bawat isa.
Lilimitahan na ang bilang ng mga pumapasok at sumasakay sa mga platform at mga tren.
” Kami po ay humihingi ng paumanhin sa abalang maaaring maidulot ng mga inisyatibong ito sa aming mga pasahero,” wika ni Capati.
Sinabi ni Capati, ginagawa nila ang mga ito upang siguruhin ang kaligtasan para pigilan ang pagkalat ng nakakahawang COVID-19.
“Kasama po ang pila sa baba. We will encourage passengers to observe the social distancing. Paumanhin na po sa malaking abala,” mensahe ni Director Michael Capati.