-- Advertisements --
TRUMP Twitter post
IMAGE | Screenshot of the now-deleted post by US Pres. Donald Trump on Twitter/file

MANILA – Nagbanta ang social media giant na Twitter na iba-ban nila ang official account ni US President Donald Trump, dahil sa ilang online posts nito tungkol sa umano’y dayaan sa nagdaang presidential elections.

Ayon sa kompanya, nilabag ng account ni Trump ang kanilang Civic Integrity Policy dahil sa mga post nito simula Miyerkules ng gabi, na direktang nag-aakusa na ninakaw ang kanyang panalo sa halalan.

“As a result of the unprecedented and ongoing violent situation in Washington, D.C., we have required the removal of three @realDonaldTrump Tweets that were posted earlier today for repeated and severe violations of our Civic Integrity policy,” ayon sa page ng Twitter Safety.

Sa isang video post, hinimok ng outgoing president ang kanyang mga supporters na magsi-uwian na, kasabay ng paalala na walang mali sa ginawa nilang pagsugod sa Capitol.

Sa hiwalay pang post, tinawag ni Trump ang pansin ni Vice President Mike Pence dahil sa kawalan daw ng tapang nito na gawin ang nararapat na aksyon sa sitwasyon.

Pansamantalang sinuspinde ng kompanya ang account ni Trump sa loob ng 12-oras. Kung patuloy daw na lalabagin ng presidente ang panuntunan ng website, ay tuluyan nilang tatanggalin ang naturang account.

“This means that the account of @realDonaldTrump will be locked for 12 hours following the removal of these Tweets. If the Tweets are not removed, the account will remain locked.”

Bukod sa Twitter, nag-anunsyo na rin ang isa pang social media giant na Facebook, na iba-block nila sa loob ng isang araw ang office page ni Trump dahil sa ilan ding policy violations.

Maging ang partner company nitong Instagram ay nagsabi na ring sususpendihin ang account ni Trump.

“As a part of this, we removed from Facebook and Instagram the recent video of President Trump speaking about the protests and his subsequent post about the election results. We made the decision that on balance these posts contribute to, rather than diminish, the risk of ongoing violence,” ayon sa blogpost ng Facebook executives.

“We are locking President Trump’s Instagram account for 24 hours as well,” ani Instagram head Adam Mosseri.

Tinanggal na rin ng streaming website na YouTube ang kontrobersyal na video ni Trump.