-- Advertisements --

LEGAZPI CITY – Ipinaliwanag ng isang public health expert ang mga posibleng epekto ng pagugol ng mahabang oras sa mga gadgets.

Ayon kayAlbay Provincial Health Officer Dr. Antonio Ludovice sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, ang social media fatigue ay posibleng makaapekto sa physical, mental at social health ng isang indibidwal.

Kung hindi mako-kontrol ang paggamit ng gadget, posible umanong ma-develop sa computer psychosis na nagreresulta sa mental disturbance ng isang bata.

Paliwanag ng opisyal na kung nalululong sa social media at iba pang mga online games, posibleng ma-adapt ng isang bata ang pagiging bayolente.

Marami umanong gumagaya sa mga nakikitang ginagawa sa mga character sa mga online games.

Dagdag pa ni Ludovice na dahil sa social media fatigue, posibleng maging malnourish dahil hindi nakakakain sa tamang oras at kulang ang sustansyang nakukuha ng katawan.

Dahil dito, sinabi ng opisyal na dapat kontrolin ang oras ng pagamit ng gadgets lalo na ng mga kabataan.