-- Advertisements --

Pinili ng kaanak ng social media star Nicole Thea na maging pribado sa pagkamatay nito habang buntis.

https://www.instagram.com/p/CCjJYehjPiq/

Ayon sa ina, nasa walong buwan ng buntis ang 24-anyos ang anak mula sa partner nito ng si Boga.

Papangalanan na sana nila ang anak na si Reign.

Ang dancer at influencer ay regular na nagpopost ng mga video sa kaniyang YouTube channel at Instagram page.

Gumawa na rin ito ng mga video bago ito pumanaw na nakatakdang ipalabas naman sa kaniyang social media account.

Mula ng kumalat ang balita ay nagpaabot naman ng pakikiramay ang mga fans at social media followers nito.