-- Advertisements --
PNP chief gamboa 2
PNP chief Gen. Archie Francisco Gamboa

Mahigpit nang ipatutupad ng Philippine National Police (PNP) ang kanilang social media protocol.

Ito ay kasunod sa ginawang kaliwat kanang media interviews ni Lt Col Jovie Espenido na sumasalang na sa validation and adjudication process matapos mapabilang ang pangalan sa drug watchlist ng Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay PNP chief Gen. Archie Francisco Gamboa, layon nito para isaisip ng mga police officers and personal na kung anuman ang kanilang kinasasangkutang kaso ay dapat resolbahin ito sa loob ng PNP dahil mga internal matters ito at hindi dapat sa media ilahad at ipresenta ang kanilang mga sarili.

Pero sa ginawa ni Espenido, iimbestigahan ito para mabatid kung mahaharap siya sa salang insubordination.

“Sabi ko nga as a matter of fact we are coming up with a social media protocols for PNP personnel because you have to resort our own internal mechanism. So why Espenido, that’s why I will deal with him internally,” wika ni Gamboa.