-- Advertisements --

BACOLOD CITY – Kinumpirma ng commissioner ng Commission on Elections (COMELEC) na gagamit na sila ng social media regulations upang i-track ang gastos ng mga kandidato sa campaign period kaugnay ng 2019 midterm elections.

Sa panayam ng Bombo Radyo Bacolod kay COMELEC Commissioner Rowena Guanzon, inamin nitong mas mabuti sa ngayon ang regulations nila kung ikokompara sa 2016 national elections dahil sa pinakaunang pagkakataon, mayroon nang social media regulations.

Ayon kay Guanzon, malaki ang kasalukuyang gastos ng mga kandidato sa online platforms.

Tiniyak din ng COMELEC commissioner na makikita sa statement of contribution and expenditures (SOCE) ng mga kandidato ang kanilang gastos sa social media kagaya ng Facebook.

Sa ngayon, mayroon na ring kasunduan ang poll body at Facebook na ma-locate ang pinagmulan ng fake news.

Sa kabilang dako, kinumpirma ni Guanzon na mas marami ang mga female voters kompara sa mga lalaki.

Aminado naman ito na mas malaki ang turnout ng mga babae sa tuwing eleksyon.