Nagtakda ng social media guidelines ang British royal family, kasunod ng mga kaso ng online abuse na nakadirekta sa Duchesses of Cambridge at Sussex.
Sa pahayag ng Royal Family, ang mga posts sa Clarence House, Kensington Palace at Buckingham Palace ay maaari nilang itago, burahin, o i-report sa pulisya.
Ang nasabi ring mga guidelines ay kanila raw inilahad upang mapanatili ang “safe environment” sa channels na pinapatakbo ng naturang tatlong households.
Dapat din umanong magpakita ng “courtesy, kindness and respect” ang mga users.
Sang-ayon rin sa bagong mga panuntunan, nanawagan ito na:
“Comments must not contain spam, be defamatory of any person, deceive others, be obscene, offensive, threatening, abusive, hateful, inflammatory or promote sexually explicit material or violence”, o “promote discrimination based on race, sex, religion, nationality, disability, sexual orientation or age.”
Nabatid na walang personal social media accounts ang mga duchesses na sina Kate Middleton at Meghan Markle.
Bago naman magpakasal kay Prince Harry, isinara na ni Meghan ang kanya kung saan mayroon itong 1.9-milyong followers sa Instagram, at 350,000 Twitter followers. (BBC)