-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Anim na araw gagawin ang pamamahagi ng social pension ng mga senior citizen sa probinsya ng Cotabato.

Mag-uumpisa ang social pension distribution sa mga senior citizen ngayong araw, Mayo 28.

Sa bayan ng Kabacan, Cotabato unang ipapamahagi ang social pension sa mga lolo at lola sa Brgy Paatan, Lower Paatan, Cuyapon, Kilagasan at Brgy Magatos.

Hinimok naman ni Kabacan Mayor Herlo Guzman, Jr. ang matatandang kukuha ng pension na magdala at magsuot ng kani-kanilang facemask at ugaliin ang social distancing.

Sa loob mismo ng mga barangay covered court gagawin ang pamamahagi ng social pension para maiwasan ang sobrang init ng panahon.

May ikakalat cin na mga health workers para subaybayan ang kalusugan ng mga matatanda na kukuha ng kanilang social pension.

Dagdag pa ni Mayor Guzman, dapat pahalagahan ang mga lolo at lola dahil may mahalaga silang papel sa komunidad at alagaan ng mabuti.

Bahagi na ng pamumuhay at kultura ng ating bansa na pahalagahan at mahalin ang ating mga lolo at lola kung saan isa ito sa matagal nang tradisyon ng mga Pilipino.