ILOILO CITY – Inaasahan ang pagdalo ng maraming mga celebrities sa Iloilo Dinagyang Festival 2023.
Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Ms. Joyce Clavesillas, executive director ng Iloilo Festivals Foundation Incorporated, sinabi nito na kabilang sa nagkumpirma na dadalo sa world class festival ang socialite-vlogger na si Marissa “Small” Laude.
Si Small Laude ay maybahay ng business tycoon na si Philip Laude, ang scion ng sikat na confectionary makers sa buong Pilipinas.
Ayon kay Clavesillas, itatampok ni Small Laude sa kanyang vlog ang mga kaganapan sa Iloilo Dinagyang Festival at ang mga historical places sa lungsod.
Ang internet sensation ay dadalo mismo sa cultural presentation sa Iloilo Freedom Grandstand kung saan makakasama nito bilang panauhing pandangal si First Lady Atty. Liza Araneta-Marcos.