-- Advertisements --

Idineklara ng Forbes si Sofia Vergara bilang highest-paid actress nitong taon.

Ang Colombian-American actress ang nanguna sa buong mundo matapos umabot sa $43 milyon ang kaniyang ari-arian.

Pumapangalawa kay Vergara si hollywood veteran Angelina Jolie at pumapangatlo naman si “Wonder Woman” star Gal Gadot.

Narito ang kompletong listahan ng Forbes’ Top 10:

  1. Sofia Vergara: $43 million
  2. Angelina Jolie: $35.5 million
  3. Gal Gadot: $31.5 million
  4. Melissa McCarthy: $25 million
  5. Meryl Streep: $24 million
  6. Emily Blunt: $22.5 million
  7. Nicole Kidman: $22 million
  8. Ellen Pompeo: $19 million
  9. Elisabeth Moss: $16 million
  10. Viola Davis: $15.5 million

Una nang lumabas ang report na kumita si Vergaras sa $500,000 per episode bilang si Gloria sa isang sikat na comedy series na “Modern Family.”

Binabayaran din siya ng $10 million sa bawat season ng “America’s Got Talent.”

Napag-alaman na maliban sa pagiging aktres, kilala rin ang 48-anyos bilang television producer, comedian, presenter at model.

Naging top-earning actress din ito sa American television noong taong 2012, 2013, ug 2016 at naging second highest paid TV actress sa buong mundo noong nakaraang taon.