-- Advertisements --

Tinanghal bilang ‘The Voice USA’ ang tubong Mindanao na si Sofronio Vasquez matapos magpamalas ng galing.

Gumawa rin ng kasaysayan ang singer matapos hirangin bilang kauna-unahang Asian na nanalo sa sikat na American talent show na ‘The Voice USA’.

Napabilang ang 32-taon gulang na singer sa Team Bublé matapos maka tanggap ng may pinaka maraming botong nakuha galing sa American audience nito.

Habang makakatanggap si Vasquez ng $100,000 o P5.8 million at recording contract sa naturang estasyon nito.

Maaalalang ipinamalas rin ni Sofronio ang kanyang galing ng mapabilang ito sa ‘Tawag ng Tanghalan’ kung saan ay umabot pa ito sa semifinalist.