-- Advertisements --
Duterte leyte
President Rodrigo Duterte

Nakahanda umano si Pangulong Rodrigo Duterte na sertipikahang urgent ang SOGIE Bill na hiling ng mga miyembro ng LGBT community.

Sinabi ni Pangulong Duterte sa press briefing sa Malacañang, nais nitong maipasa ang panukalang batas gaya ng pangako kay Gretchen Diez na umano’y biktima ng diskriminasyon sa CR sa isang mall sa Quezon City.

Ayon kay Pangulong Duterte, pabor siyang magkaroon ng apat na CR tig-isa para sa mga lalake, babae, bakla at tomboy.

Sa katunayan nga daw sa Davao City ay mayroon ng anti-gender discrimination policy at nauna pa siyang magpatupad nito bago uminit ang usapin.