LEGAZPI CITY- Naglabas ng inisyal na imbestigasyon ang Mines and Geosciences Bureau (MGB) na unang namataan ang soil erosion sa Barangay San. Roque Malilipot, Albay matapos ang pananalasa ng bagyong Reming.
Pinalala aniya ang sitwasyon ng magkakasunod na sama ng panahon na narasan sa nakalipas na mga linggo na nagdala ng mataas na volume ng ulan.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay MGB Bicol Director Engineer Guillerno Molina, batay sa kalkulasyon nasa 60 meters ang lalim ng river bank kung saan nakita ang unconsolidated soil.
Namataan ang parang komposisyon ng lupa na may buhangin at mga bato na madaling gumuho oras na maging saturated dahil sa hindi magandang kalidad.
Dahil dito, kinakalkulang nasa 61 na mga kabahayan ang nakatalaan na erelocate dahil sa posibilidad na kainin ito ng lupa.
Samantala inirerekomenda rin ng tanggapan ang pagpapatayo ng mga dike sa lugar para maiwasan ang kapareho pang sitwasyon.