Binigyang diin ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na ang panig ng prosecution ay sa mga taong naaapi at sa sitwasyong ito, nasa kampo ng pamilya ni Degamo ang panig nito.
Ang pagiging neutral raw ay hindi gawain ng isang prosecutor dahil ang nais nila, ay managot ang taong nagkasala sa batas at makuha ang hustisya para sa biktima.
Kung maaalala, Marso 4 nitong taon ay walang hamak na pinagbabaril ang mga tao sa mismong loob ng bahay ni dating Governor Roel Degamo habang namimigay ng ayuda doon sa Pamplona Negros Oriental.
Kabilang sa napaslang ay ang dating gobernador at siyam na iba pa.
Naging kontrobersyal ang pagpaslang na ito dahil hanggang sa ngayon ay hindi pa naibibigay ang sapat na hustisya.
Samantala, nilinaw ni Justice Secretary Remulla na hindi mababahiran ng politika ang imbestigasyon, at ito ay pawang babase sa mga nakukuhang ebidensya.
Dagdag pa niya, mayroon pa umanong limang na identipika ang National Bureau of Investigation na sangkot ngunit hindi pa inilalabas ang impormasyon ukol dito.
Pinayuhan naman ni Justice Secretary Remulla si suspended Negros Oriental 3rd District representative Arnolfo Teves Jr. na harapin ang mga paratang sa kanya dahil mayroong justice system na maghuhusga.