Naniniwala si Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na mayroong nagma maniobra at kumokontrol sa mga suspect na sangkot sa pagkamatay ni Governor Roel Degamo kaya’t halos lahat sa kanila ay bumaliktad na.
Sampo sa labing isang suspect ang tuluyan ng naghain ng kanilang affidavit of recantation at itinatanggi na nito ang kanilang pagkakasangkot sa pagpatay kay Degamo.
Diretsahang sinabi ni Remulla na kabilang sa kumukumpas o kumokontrol sa mga akusado ay si Marvin Miranda na isa rin sa mga akusado na nakadetine sa detention facility ng National Bureau of Investigation.
Si Miranda ang itinuturing na co-mastermind sa naturang krimen at dati umanong nagtrabaho bilang bagman ni Teves.
Ayon pa sa kalihim , kasama rin anya sa bumuo ng tinawag niyang choreography o nag-orchestrate ay si dating Department of Justice Undersecretary Atty.
Reynante Orceo, pati ang abogado ng mga akusado na si Atty.Danny Villanueva.
Dahil dito ay sinabi ni Remulla na idudulog at makikipag-ugnayan na anya ang kanilang ahensya sa Integrated Bar of the Philippines para ipabatid ang ginawang aksyon ng mga abogado.