-- Advertisements --

Emosyonal ng humarap ngayong araw, Marso 31, sa isang press conference si South Korean actor Kim Soo-hyun matapos ang mga alegasyon na siya raw ay nagkaroon ng relasyon sa yumaong South Korean aktres na si Kim Sae-ron noong ito ay menor de edad pa lamang.

Ngunit tahasan itong itinanggi ni Kim Soo-hyun, aniya hindi siya nakipag-date kay Kim Sae-ron at iginiit ni Kim na mali ang mga alegasyon na ito.

‘I did not date the deceased when she was a minor. And it is also not true that the deceased made a tragic choice because of me turning a blind eye,’ pahayag ng aktor sa press conference, ayon sa pagsasalin ng Korea JoongAng Daily.

Ang kontrobersya ay kumalat sa social media ilang linggo na ang nakararaan, na nagresulta sa pagkawala ng ilang brand endorsements ng aktor.

Ani pa ni Kim Soo-hyun na matagal niyang iniiwasan ang paglabas ng mga balita upang magsalita dahil sa takot ito sa mga posibleng maging epekto ng kanyang carreer.

‘I consider myself a coward. I have always been too preoccupied with holding on to what I have. I couldn’t even trust the goodwill that came my way, always fearing loss, harm and running away, denying everything. That’s why it took me so long to stand here today,’ wika pa ni Kim.

Aminado namn si Kim na nakipag-date siya kay Kim Sae-ron, ngunit nilinaw niyang nangyari lamang ito nang maging legal ang edad ng aktress na si Kim Sae-ron.

Dagdag pa ni Kim, na kaya niya iniiwasan aminin ito noon dahil sa posibleng maging epekto nito sa kanyang ongoing na drama na Queen of Tears.

Iniisip din niyang may mga tao at proyektong ma-aapektuhan ng kanyang desisyon, kaya’t nagdalawang-isip siyang magsalita.

‘I hesitated every time. Thinking about the impact my decisions would have on others. Whether [my decisions] would push everybody including me into trouble,’ saad pa ni Kim.

Mariin ding itinanggi ni Kim na may kinalaman siya sa pagkamatay ng yumaong aktres. Ayon sa aktor, wala siyang kinalaman sa nangyaring trahedya kay Kim Sae-ron, at ‘wala aniyang kinalaman ang kanyang agency sa anumang pressure kaugnay sa mga sa utang ng aktres.

‘It is not true that she had made this tragic choice because of me or my agency pressuring her over a debt,’ giit pa ni Kim Soo-hyun.

Matapos ang press conference, hindi na muling tumanggap ng panayam si Kim Soo-hyun at agad ding umalis ng stage.

Samantalang ang kanyang abogado ay nagsabi na nagsasagawa na sila ng mga legal na hakbang laban sa pamilya ng yumaong aktres at ang YouTube channel na nagpakalat ng mga maling alegasyon.

‘Kim has addressed the issue directly. And standing by his will, Kim Soo-hyun and Goldmedalist have requested the law firm explore both criminal and civil litigation to get the facts straight. We have filed a complaint against the family of the deceased and Hoverlab operators while filing a complaint on damages worth 12 billion won to the Supreme Central District Court,’ pahayag ng abogado ng aktor.