Nagpahayag ng kaniyang excitement at pasasalamat ang sikat na Korean singer at actor na si Seo In-guk sa pagkakatalaga niya bilang opisyal at bagong Philippine Celebrity Tourism Ambassador for Korea.
Kasabay ng paglagda ng Korean star sa isinagawang Memorandum of Understanding (MOU) signing ceremony sa tanggapan ng DOT ngayong araw Pebrero 21, sinabi niyang nais niyang suklian ang lahat ng pagmamahal na ibinibigay sa kaniya at nangakong ipo-promote ang Pilipinas sa iba sa hinaharap.



Ayon naman sa DOT, target nilang mapahusay pa ang appeal ng Pilipinas bilang isang travel destination para sa Korean tourists sa pamamagitan ng pakikipag-collaborate sa South Korean star.
Inihayag naman ni Tourism Secretary Christina Frasco na ang pagkakatalaga ni Seo In Guk bilang Tourism Ambassador ay magpapalakas pa sa cultural at tourism exchanges sa pagitan ng Pilipinas at South Korea.
Samantala, bilang bagong Tourism Ambassador, magiging parte ng mga biyahe ni Seo In-guk ang iconic destinations sa bansa gaya ng Boracay, Cebu at Manila para sa promotional activities sa hinaharap.
Ayon pa sa ahensiya, nakapokus ang role ng SoKor actor sa pag-highlight sa nakakamanghang likas na ganda ng Pilipinas, mayamang cultural heritage at ang hospitality ng mga Pilipino.