-- Advertisements --

Pumanaw na ang South Korean actress na si Kim Sae-Ron, ayon sa ulat ng mga Korean media nitong Pebrero 16. Ang 24-taong-gulang na aktres, na kamakailan lang ay lumabas sa isang series na ”Bloodhounds”, ay natagpuang patay sa kanyang apartment sa Seongdong-gu, Seoul.

Ayon sa The Korea Herald, natagpuan ang katawan ni Kim ng kanyang kaibigan, na agad na tumawag sa mga awtoridad bandang 4:50 PM nitong araw. Tiniyak ng pulisya na walang palatandaan ng break-in at patuloy silang nagsasagawa ng imbestigasyon upang matukoy ang sanhi ng kanyang pagkamatay.

Ipinanganak noong 2000, nagsimula si Kim bilang aktres noong 2009, na nagbigay daan sa aktres ng kaniyang karera sa industriya. Mabilis siyang sumikat dahil sa mga makulay niyang papel sa pelikulang ”The Man from Nowhere” (2010) at ang nakakakilabot na ”The Neighbor” (2012), na nagbigay sa kanya ng malawakang pagkilala.

Ang pinakahuling proyekto ni Kim ay ang ”Bloodhounds” na ipinalabas noong 2023, na nakatanggap ng pansin mula sa mga tagahanga at kritiko nito. Gayunpaman, huminto ang kanyang karera sa pag-arte nang mangyari ang isang car accident noong Mayo 2022. Malaki ang epekto ng insidenteng ito, at humarap siya sa mga legal action.

Samantala noong Abril 2023, pinagbayad si Saeron ng korte nang multa na 20 million won o humigit-kumulang na $13,850 na nagmarka sa aktres ng pagtigil ng kanyang karera. Dahil dito, ito sa pag-aartista, na nag-iwan ng mga tanong kung ano sa mga fans.