-- Advertisements --
Aprubado na ng South Korea ang $500,000 o katumbas ng mahigit P29 million na tulong para sa mga biktima ng magkakasunod na bagyo sa Pilipinas.
Ang naturang tulong ay idadaan sa pamamagitan ng World Food Programme (WFP).
Ayon sa Korean Embassy, magagamit ang naturang pondo para sa recovery o tuluyang pagbangon ng mga residente sa mga lugar na labis na tinamaan ng magkakasunod na bagyo.
Pangunahin sa mga paglalaanan nito ay ang relief distribution sa mga apektadong lugar.
Maaalalang sa loob lamang ng ilang linggo ay tatlong magkakasunod na bagyo ang nanalasa sa bansa kung saan milyun-milyong residente ang naapektuhan.