Umakyat na sa walumpo’t walong (88) labi ang nakilala ng South Korean authorities mula sa Boeing 737-800 plane na nag-crash at nasunog sa South Korea kahapon, Disyembre 29.
Bagaman nagiging pahirapan ang pagtukoy sa pagkakakilanlan ng mga labi, gumagamit na ang mga otoridad ng iba’t-ibang makabagong paraan para makilala ang mga ito, tulad ng fingerprints, dental records, at iba pa.
Maging ang mga kaanak ng mga nasawi ay nahihirapan ding tukuyin ang pagkakakilanlan ng mga biktima.
Hanggang ngayong araw, mayroon pang sampung labi ang hindi matukoy ang kasarian.
Samantala, 85 sa mga labi ay pawang mga babae habang 84 ang mga lalake, batay na rin sa inisyal na impormasyong inilabas ng mga otoridad ng SoKor.
Sa kabilang dako, nasa maayos na kalagayan na rin ang dalawang survivor na kinilala lamang sa apelyidong Lee, 33 anyos, at Koo, 25 anyos.
Si Lee ay nagtamo ng multiple injuries kasama na ang nabaling tadyang at traumatic spinal injury, habang si koo ay nagtamo ng injury sa kaniyang mga paa at ulo.
Sa kabila ng malubhang mga sugat, nakakapagsalita na umano ang dalawa at wala ring indikasyon ng memory loss.
Pitong araw ang idineklara ng South Korean government para ipagluksa ang mga nasawi sa malagim na trahedya.