-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Ipinangako umano ng South Korean government na makukuha na rin ang higit sa 5,000 toneladang basura na inangkat ng Verde Soko Philippines Incorporated sa Setyembre 2019.

Ito ang nagiging kasagutan umano ng Korean government sa ginawang na follow up ng grupong EcoWaste Coalitions kaugnay sa ipinangakong kukuning muli ang imported wastes na ipinuslit ng Verde Soko sa bayan ng Tagoloan, Misamis Oriental.

Sa panayam ng Bombo Radyo, inihayag ni EcoWaste Coalitions national coordinator Aileen Lucero na bagamat hindi nabanggit ng South Korean Ministry of Environment ang petsa kung kailan darating sa bansa ang barko na pagkakargahan ng mga basura.

Inihayag ni Lucero na kailangang maalis na ang mga basura sa madaling panahon upang hindi ito makapagdulot ng peligro sa kalikasan at pangangatawan ng mga residente sa lugar.

Una nang sinang-ayunan ng grupo ang hakbang ni Misamis Oriental 2nd District Rep. Juliette Uy na paimbestigahan ang nangyaring pagkasunog ng mga basura na nakaimpake na para sana dadalhin pabalik sa South Korea.