Presidential plane ang ipapadala ng gobyerno ng South Korea upang sunduin ang kanilang mga kababayan na sakay ng crusie ship na naka-quarantine sa Japan.
Ayon kay South Korean Vice Minister of Health and Welfare, Kim Gang-lip nakikipag-usap na sila sa mga opisyal ng Tokyo kung papaano ang gagawing proseso sa pagpapadala ng kanilang presidential plane.
Sinasabing nasa siyam ang mga South Korean passengers ng Diamond Princess kung saan lima naman ang mga crew members.
Nauna nang nagsagawa rin nang paglilikas ang Amerika sa mahigit 300 mga US citizens na sakay ng cruise ship. Nasa 14 na mga kababayan nila ang nagpositibo sa virus.
Ang Canada, Italy at Hong Kong ay magpapadala na rin ng mga flights para sa kanilang mga citizens gayundin ang Pilipinas.
Ang Pilipinas ay patuloy pa ang pagpapaplano sa mahigit 500 mga Pinoy crew na nasa barko.