Sisimulan na ngayong taon ng South Korea ang pagdedeploy ng mga drone-melting laser weapon para sirain ang mga unmanned aerial vehicles o mga remote-controlled drones ng North Korea.
Ang bagong laser weapon ay tinawag na ‘StarWars Project’ na ‘invisible’ at ‘noise-free’.
Hindi rin nito kinakailangan ng dagdag na mga bala dahil gumagamit lamang ito ng kuryente at nagkakahalaga lamang ng 2,000 won (US$1.45) per shot.
Ang naturang military weapon ay binuo ng Hanwha Aerospace. Nagawa na nitong maabot ang 100% shoot-down rate sa mga naunang test.
Ayon sa kay Lee Sang-yoon ng South Korean Defence Acquisition Program Administration (DAPA), sasailalim pa ito ng karagdagdang improvement sa mga susunod na araw at tiyak umanong magiging ‘game-changer’ sa usapin ng weapon system.
Nagagawa ng StarWars System na i-neutralize ang isang target sa pamamagitan ng laser light na nabubuo mula sa gamit nitong optical fiber.
Kung naabot ng laser ang isang drone, natutunaw aniya ang ibabaw na bahagi nito, nasusunog ang internal components, hanggang sa tuluyang babagsak.
Ipinagmalaki pa ng SoKor na kakayanin nitong lumabas at magamit sa kalawakan. Dahil sa gumagamit ito ng kuryente, maaari umanong taasan lamang ang output upang mas mabilis ang response at abutin pa ang speed of light.