Inanunsyo ng mga awtoridad ng South Korea nitong Huwebes na lahat ng paliparan sa bansa ay kinakailangan aniyang mag-install ng bird detection cameras at radars bilang tugon matapos ang Jeju Air Crush na kumitil sa 179 katao.
Matatandaan na ang Boeing 737-800 ay galing Thailand papuntang Muan airport sa timog-kanlurang bahagi ng South Korea na bumagsak noong Disyembre 29 ng nakaraang taon matapos dumausdos sa airport ng runway at kalauna’y bumangga sa pader dahilan ng pagsabog nito.
Bilang tugon sa makasaysayang trahedya ng bansa, naglunsad ang pamahalaan ng South Korea ng isang hakbangin upang mapanatili ang kaligtasan ng mga biyahero at tinayak na lahat ng paliparan ay magkakaroon ng hindi bababa sa isang thermal imaging camera bilang bahagi ng kanilang isasagawang inspeksyon kasabay ng masusing pagsususri ng mga pasilidad na karaniwang aniyang pinupuntahan ng mga ibon.
‘Bird detection radars will be installed at all airports to enhance early detection of distant birds and improve response capabilities for aircraft,’ pahayag ng Ministry of Land ng SoKor.
Kaugnay nito nais din ng pamahalaan ng South Korea na magkaroon ng mga mobile sonic devices upang matukoy ang laki ng mga ibon habang ang mga bird detection radars ay ilalagay naman sa lahat ng paliparan.
Ayon sa mga awtoridad magtatala ang mga naturang radars ng sukat at galaw ng mga ibon at ipapadala ang impormasyon sa mga air traffic controllers na siya namang makikipag-ugnayan sa mga piloto upang matukoy at maresolba agad ang problema.
‘The top priority is to establish comprehensive reform measures across aviation safety to prevent the recurrence of aircraft accidents,’ ayon sa deputy minister ng civil aviation Joo Jong-wan.
Natukoy nga ng mga awtoridad na ang sanhi ng insidente ng pagbagsak ng naturang eroplano ay dahil sa natagpuang balahibo ng ibon sa parehong makina ng Jeju Air flight.