Nilinaw ng South Korean embassy sa Pilipinas na wala pang diskusyon ukol sa visiting forces agreement (VFA) sa pagitan ng dalawang bansa.
Ginawa ng embahada ang naturang paglilinaw kasunod na rin ng naunang pahayag ni SoKor ambassador Lee Sang-hwa na pinag-iisipan ng SoKor ang posibilidad ng VFA kasama ang Pilipinas.
Ayon sa embahada, hindi maaaring talakayin ni Lee ang detalye o progreso ng pag-aaral ukol sa VFA dahil sa nirerepaso pa ito ng mga eksperto.
Nilinaw naman ni Ambassador Lee na wala pang progreso o detalye na inilalabas ng mga eksperto ukol sa VFA.
Unang ibinunyag ni Lee ang tungkol sa VFA sa security forum na inorganisa ng Stratbase ADR Institute nitong nakalipas na lingo.
Ang VFA ay isang kasunduan na nagbibigay ng legal na basehan at proteksyon sa mga military personnel at civillian personnel ng Defense Department ng ibang bansa sa pananatili dito sa Pilipinas para sa official business.