-- Advertisements --
nokor sokor 1

Mahigpit na binabantayan ngayon ng South Korea military ang muli na namang pagpapakawala ng dalawang projectiles ng North Korea.

Hindi pa nagbibigay ng komento patungkol dito ang Pentagon ngunit snigurado naman ng South Korea’s Joint Chiefs of Staff na nakikipagtulungan umano sila sa U.S intelligence upang malamang kung ano ang pinasabog ng North Korea

Bandang 5:34 am local time nang pakawalan ang dalawang unidentified projectiles.

“Our military, in preparation for additional launches, is maintaining (its) readiness posture by monitoring related movements,” ayon sa isang opisyal ng South Korean Joint Chiefs of Staff.

“The US and South Korea are in the process of analyzing the details in relation to the launches,” dagdag pa nito.

Naniniwala rin daw ang kanilang ahensya na may koneksyon ito sa dalawang short-range missiles na pinakawalan ng North Korea noong May 2019.