-- Advertisements --

Pormal nang inanunsyo ni South Korean opposition leader Lee Jae-myung ang kanyang kandidatura sa nalalapit na presidential by-election ngayong Hunyo 3, kasunod ng pagkakatanggal sa puwesto ni dating SoKor President Yoon Suk Yeol dahil sa kanyang kontrobersyal na martial law noong Disyembre nang nakalipas na taon.

Matatandaan na nanguna si Lee sa kampanya ng Liberal Democratic Party para sa impeachment ni Yoon, at tinuturing na pangunahing kandidato sa halalan.

Aniya, layon niyang pagkaisahin ang bansa upang maibsan ang agwat ng mayaman at mahirap.

‘With economic growth rates declining worldwide, it has become difficult to maintain and develop an economy solely on the strength of the private sector. However, with government-led talent development and extensive investments in technological research and development, we can revive the economy,’ pahayag ni Lee.

Iginiit din ni Lee ang kahalagahan ng matatag na alyansa sa Estados Unidos at kooperasyon sa Japan, ngunit aniya, dapat laging unahin ang pambansang interes.

Bukod kay Lee, kasama rin sa mga tatakbo bilang Pangulo ng South Korea ang Gobernardor ng Gyeonggi na si Kim Dong-yeon kasama sina Han Dong-hoon na lider ng anti-Yoon faction; dating Labor Minister Kim Moon Soo; ang Mayor ng Daegu, Hong Joon-pyo; beteranong mambabatas na si Ahn Cheol-soo; at Seoul Mayor Oh Se-hoon.

Samantala, si Lee ay nahaharap din sa limang kaso ng katiwalian.

Ang mananalong presidente ay magsisilbi ng isang buong limang taong termino.