-- Advertisements --

Inilagay na ng South Korea sa pinakamataas na alert dahil sa coronavirus.

Ipinag-utos din ni South Korean President Moon Jae-In , pinakikilos na niya ang mga opisyal ng gobyerno para malabanan ang nasabing outbreak ng COVID-19.

Nasa red alert level na ang kanilang bansa na huling ginamit ang nasabing pagtaas ng alert ay noong 2009 para mabantayan ang novel influenza outbreak na ikinasawi noon ng mahigit 260 katao.

Sa nasabing batas ng bansa, kapag nasa pinakamataas na alert level ay may karapatan ang mga otoridad na isara ang paaralan at bawasan ang operasyon ng mga public transportation at flights patungo at palabas ng South Korea.

Aabot na kasi sa halos 556 ang nadapuan sa South Korea kung saan mayroong lima na ang patay.

Sa nasabing bilang 113 sa bagong 123 na kaso ay mula sa pinakamalaking lungsod ng Daegu.