-- Advertisements --

Umani ng kabilaang pagpuna si South Korean President Yoon Suk Yeol kasunod ng ginawang pagdedeklara ng martial law at kinalaunan ay pagbawi rin dito.

Ilan sa mga kaalyado nitong bansa ang nagpakita at nagpahayag ng pagkabahala sa ginawa ng pangulo.

Kabilang dito si Swedish Prime Minister Ulf Kristersson na nakatakda sanang bumisita sa SoKor para sa isang summit ngayong lingo. Matapos ang ginawa ni Yoon, kinansela na ng Swedish PM ang kaniyang biyahe.

Maging ang US ay nagdesisyon na ding kanselahin ang nakatakda sanang military exercise sa SoKor.

Sinundan din ito ni dating Japan PM Yoshihide Suga. Nakatakda sanang magtungo si Suga sa SoKor sa kalagitnaan ng Disyembre ngunit kinansela rin niya ito kasunod ng deklarasyon ni SoKor Pres Yoon.

Sa kasalukuyan, ayon kay Japanese Prime Minister Shigeru Ishiba, binabantayan nila ang sitwasyon sa SoKor at ang posibleng epekto nito sa mga katabing bansa tulad ng Japan.