-- Advertisements --

Inihayag ng Philippine Navy (PN) na opisyal na sinimulan ng South Korean shipbuilder ang paggawa ng dalawang missile corvette.

Sinabi ng tagapagsalita ng PN na si Capt. Benjo Negranza na sinaksihan ng Navy flag officer-in-command (FOIC) Vice Adm. Toribio Adaci Jr. at iba pang ranking official ang mga seremonya para sa keel laying para sa unang missile corvette nito at ang pagputol ng bakal naman para sa pangalawang missile corvette sa shipyard ng kumpanya sa southern city of Ulsan ng South Korea.

Ang nasabing aktibidad ay nagpapahiwatig ng pagsisimula ng proseso ng produksyon ng dalawang corvettes.

Ang pagputol ng bakal ay nangangahulugan ng pagsisimula ng pagtatayo ng barko habang ang paglalagay ng keel ay tumutukoy sa pagtatayo ng backbone ng barko.

Ang mga barkong ito ay nilagyan ng mga makabagong armas, sensor at systems na maaaring tumugon sa iba’t ibang sitwasyon sa seguridad sa karagatan.

Ang mga corvette ay maaaring magsagawa ng anti-air, anti-surface, at anti-submarine warfare operations.

Dagdag dito, ang unang corvette ay nakatakdang maihatid sa 2025 habang ang pangalawa naman ay maidedeliver sa Pilipinas sa 2026.

Matatandaan na ang Department of National Defense ay pumirma ng P28-billion na kontrata sa isang South Korean shipbuilder para sa pagkuha ng dalawangbagong corvette para sa Ph Navy noong Disyembre 2021.