-- Advertisements --

Ngayon at lumabas nang iisa ang kontrobersyal na Mayor Alice Guo ng Bamban, Tarlac at Guo Hua Ping, nangako si Solicitor General Menardo Guevara ng mas mabilisang pag-usad ng kanilang isasagawang imbestigasyon sa kanya.

Maalalang agad sinabi ni Guevara kahapon na maghahain sila ng Qou Warranto petition laban kay Guo, kasunod na rin ng naunang anunsyo ni Sen. Risa Hontiveros na kinumpirma na ng NBI ang parehong identity nina Alice Gou at Guo Hua Ping.

Ayon kay Guevarra, kung maipapanalo ng OSG ang kaso, mapapatalsik na sa pwesto si Guo at hindi na rin siya pwedeng tatakbo pa sa anumang public office.

Kahapon nang ibunyag ni Sen. Hontiveros ang naging kumpirmasyon ng NBI na magkapareho ang mga fingerprints nina Alice Guo at Guo Hua Ping.

Totoo aniyang si Alice ay nagbabalatkayong Pilipino upang pangunahan ang ilang mga krimen na itinatago sa operasyon ng mga POGO.