-- Advertisements --
Pinapanatiling bukas pa ang pinto para kay Sol Mercado para makapaglaro sa Alab Pilipinas at PBA.
Ito ay matapos na dumalo sa ensayo ng Alab Pilipinas ang dating Barangay Ginebra player.
Sinabi nito na kaya siya sumali sa ensayo ng Alab ay dahil kaibigan niya ang coach ng koponan na si Jimmy Alapag.
Magugunitang kabilang ang NorthPort player sa trade sa Phoenix Pulse kasama sina LA Revilla at Rey Guevarra subalit tanging si Revilla lamang ang nakapirma sa three parties deal.