BUTUAN CITY – Upang matugunan ang dumaraming isyu ng krisis sa tubig sa Butuan City, ipinagmamalaki ng Department of Public Works and Highways-o DPWH Butuan City District Engineering Office na natapos na ang konstruksyon ng solar-operated water supply at pumping system.
Dahil dito, mabibigyan ng sustainable distribution ng tubig ang Brgy. Bancasi at mga kalapit na lugar ng Butuan City bilang tugon sa kakulangan ng tubig sa Butuan City Water District lalo na ngayong tagtuyot na naglagay sa Butuan sa State of Calamity.
Ang solar water system ay may 20-cubic elevated stainless water tank at dahil mayroon itong tap stands, siguradong walang interruption sa supply ng tubig, lalo na sa mga panahong tulad ng kasalukuyan.
Ang konstruksyon ng nabanggit na proyekto ay nagsimula noong Oktubre 9, 2023 sa ilalim ng CY 2023 Regular Local Infra Program.
Ang kabuuang pondo ng proyekto ay 9,797,654.404 na malaking hakbang ng DPWH para sa supply ng malinis at sustainable na supply ng tubig para sa mga residente ng Barangay Bancasi.