-- Advertisements --

VIGAN CITY – Isang makasaysayan ang araw na ito para sa mga taga-Ilocos Sur lalo na sa bayan ng Sinait.

Matapos kasi ang 400 years celebration ng pagkakatatag ng parokya ng San Nicolas de Tolentino, opisyal na itong magiging minor basilica kung saan mismong si Apostolic Nuncio to the Philippines Most. Rev. Charles John Brown ang mangunguna sa idaraos na misa.

Katuwang ng papal nuncio sa solem declaration ng Shrine of Senior Sto. Cristo Milagroso ay si Manila Archbishop Jose Fuentes Cardinal Advincula Jr., na siyang magbibigay ng homily o sermon sa misa at si Archbishop of Cotabato Orlando Cardinal Quebedo.

Alas-10:00 ng umaga nang magsimula ang misa na dinaluhan ng iba’t ibang obispo sa Hilagang Luzon at mga pari ng Archdiocese of Nueva Segovia.

Mahigpit na ipinapatupad ang safety health protocol kasunod ng pagkakadeklara sa Ilocos Sur sa ilalim ng Alert Level 2.

Ang kasaysayan ng Simbahan ng Apo Lakay o Senor Milagroso ay daan taon nang dinadayo ng mga deboto dahil sa kaniyang mapaghimalang mga gawa.

Ang Senor Santo Cristo Milagroso of Sinait ay isang imahe ng nakapakong Kristo gawa ng itim na kahoy kung saan makikita sa imahe si Kristong na namatay sa krus.

Kabilang sa mga milagro na sinasabing gawa ng Senor Santo Cristo Milagroso ay noong 1882 at 1883 kung saan halos 1,000 residente ang namatay dahil sa epidemya.

Dinala sa Vigan ang imahe ni Apo Lakay at doon nagsagawa ng siyam na araw na nobena ang mga residente at himalang humupa ang epidemya.

Pagkatapos ng misa, magbibigay ng mensahe sina Cardinal Quevedo, Papal Nuncio at Archbishop Marlo M. Peralta, archdiocese ng Nueva Segovia.

Ang Shrine of Sto. Cristo Milagroso ay ang isang minor basilica sa lalawigan ng Ilocos Sur.