-- Advertisements --

CEBU CITY – Hindi mahulugang karayom ang isinagawang Solemn Foot Procession sa lungsod ng Cebu na bahagi ng pagdiriwang ng Sinulog 2020.

Inabot ng halos anim na oras ang nasabing prusisyon matapos ng matagumpay na fluvial parade kung saan pagkatapos nito ay inihatid ang Senior Santo Niño sa Basilica Minore Del Sto. Niño.

Ngunit kahit bumuhos ang napakaraming deboto ang foot procession, kontrolado naman ito dahil may mga criminology students, National Service Training Program (NSTP), Reserve Officers’ Training Corps (ROTC) students mula sa iba’t ibang paaran sa lungsod ng Cebu na nagsilbing barrier sa gilid ng kalsada kaya walang basta-basta na makakasingit sa prusisyon.

Wala ring hinimatay at walang mga untoward incidents ngunit may mga nagpatulong dahil hirap na huminga at ang iba naman ay sobrang pagod na dahil na rin sa init ng araw.

May mga estudyante na nahirapan sa paghinga at may mga senior citizens din na napagod ng sobra ngunit agad naman itong narespondehan dahil na rin sa mga medical help desk na nakapwesto sa kada corner ng ruta sa prusisyon.

Maramin ring makikitang ambulance na nakaantabay sa paligid kung sakaling may emergency at may iba’t ibang mga volunteer teams naman ang tumulong para mapanatiling safe and secure ang lahat na deboto na dumalo at sumama sa Solemn Foot Procession.