-- Advertisements --
Solenn preggy

Bumuhos ang pagbati para kay Solenn Heusaff kasunod ng anunsyo na nagdadalang-tao na ito sa first baby nila ng Argentinian businessman husband.

Ito’y tatlong taon matapos ikasal ang Fil-French actress/model sa kapwa 34-anyos na si Nico Bolzico noong 2016 sa France.

Idinaan nila ang online baby announcement sa pamamagitan ng nakakatawang larawan kung saan sunuran silang nagsusuka habang nasa toilet bowl.

“We’re in this together,” caption ni Heussaff.

Suot ni Solenn ang makinang na jumpsuit habang hawak ang kanyang baby bump.

Noong nakaraang taon nang aminin ng half Pinay celebrity na nais niyang magbuntis bago mag-37 years old.