BACOLOD CITY – Feeling blessed ang Filipina-French model-actress na si Solenn Heussaff sa kanyang birthday kung saan mayroon siyang panibagong inspirasyon at pinagkukunan ng lakas sa gitna ng dinadanas dahil sa Covid-19 sa pamamagitan ng kanyang 6 month old daugther na si baby Thylane.
Sa exclusive interview ng Star FM Bacolod, ibang klase din ang naging set up niya sa pag gawa ng film kung saan nakapag shoot lang siya kapag tulog ang kanyang baby.
” It’s a big adjustment but in the same time, pag matulog ako sa gabi parang excited din akong gumising kasi she’s just a miracle and so much joy to me. I’m really happy to have her mas lalo ngayong 2020 na ang hirap talaga tong taon na to but parang every morning I wake up with a smile kasi nandoon siya. So, ang swerte talaga at swerte ni Nico” masayang turan ni Solenn.
Si Solenn ay gaganap sa ”Solitaire” episode ng Quarantine Gothika kung saan pinapakita sa horror film na ito ang ilan sa epekto ng pag-iisa sa panahon ng matagal na pagka quarantine.