Hinimok ni Solicitor General Jose Calida ang Commission on Elections (Comelec) na bawiin ang kasunduan nito sa Rappler.
Ito ay matapos na lagdaan ng Comelec at Rappler ang kanilang kasunduan ngayong panahon ng eleksyon para sa fact-checking, poll-related contect production, at voter awareness promotion.
Sa isang statement, sinabi ni Solicitor General Calida na labag sa konstitusyon at relevant laws ang naging kasunduan sa pagitan ng dalawa.
Tinawag din ni Calida na problematic ang probisyon ng naturang kasunduan dahil ang ilan aniya ay nanghihimasok na sa kapangyarihan at karapatan ng komisyon.
Magugunita na noong January 15, 2015 ay binaw ng Securties and Exchange Commission (SEC) ang Certificata of Incorporation ng rappler dahil sa issue ng foreign ownership.