Hindi magreresign si Solicitor General Menardo Guevarra sa kaniyang posisyon sa kabila ng tuluyan niyang pagtanggi na kumatawan sa mga opisyal ng gobyerno na kinukwestyon sa mga petisyong inihain sa Korte Suprema ukol sa naunang pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa isang pahayag, sinabi ng SolGen na hindi siya magreresign habang iginigiit na ang posisyon ng OSG ay isang pro-republic.
Gayonpaman, iginiit ng opisyal na magsisilbi siya sa kagustuhan ng pangulo.
Nauna nang iginiit ng OSG na ang ICC ay walang hurisdiksyon sa Pilipinas dahil gumagana ang judicial system ng bansa.
Gayonpaman, nanindigan din si Pang. Ferdinand Marcos Jr. na ang naging pag-aresto kay dating Pang. Duterte ay naaayon sa commitment ng bansa sa Interpol.
Sa kabila nito, binigyang-diin naman ni dating Integrated Bar of the Philippines(IBP) President Atty. Domingo Cayosa, na ang Office of the Solicitor General ang dapat magsilbi at manatiling tagapagtanggol ng bansa, kaya’t kung hindi aniya ipagtatanggol ng OSG ang gobiyerno ng Pilipinas, mas nakabubuting mag-resign na lamang ito at hayaan ang appointing power na magdesisyon kung tatanggapin ang resignation o hindi.