Matapos na maging kontrobersyal ang pagkatao ni Bamban Mayor Alice Guo, plano ngayon ni Solicitor General Menardo Guevarra na maghain ng quo warranto petition na kumukwestyon sa karapatan ng alkalde na humawak ng pampublikong panunungkulan sa gobyerno.
Ayon kay Guevarra, sa ngayon ay patuloy ang kanilang pangangalap ng kaukulang impormasyon hinggil sa isyu ni Guo.
Si Guo ay pinaghihinalaang sangkot sa pagpapatakbo ng iligal na Philippine Offshore Gaming Operation (POGO) hub sa kanilang bayan.
Kwestyunable rin ang kanyang pagka Pilipino, batay na rin sa mga hindi nagtutugmang datos at impormasyon.
Wala kasi itong official record na magpapatunay na siya ay isang Pilipino kaya pinagdududahan na isa itong Chinese citizen.
Paliwanag naman ng Supreme Court, ang isang quo warranto proceeding ay legal na pamamaraan upang matukoy ang karapatan ng isang tao na humawak ng posisyon sa gobyerno.