-- Advertisements --

Pinangunahan nina Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula at Kalookan bishop at Catholic Bishop Conference of the Philippines (CBCP) President Pablo Virgilio David ang isinagawang “Solidarity Mass for the Moral Choice” na ginanap sa National Shrine of the Mother of Perpetual Help (Baclaran Church).

Liban sa maraming mga mananampalataya na dumalo sa tinaguriang “Baclaran day,” humigit kumulang din sa mga kaparian at mga obispo ang nakibahagi sa selebrasyon ng banal na misa na pangunahing may kaugnayan sa nalalapit na national at local elections sa Mayo 9.

Sa sermon ni Bishop David nanawagan ito na magkaisa ang lahat at iboto ang maka-Diyos na kandidato.

Aniya, malaki raw ang pananagutan sa Diyos ng mga kandidato na ating iboboto sa darating na halalan.

Bishop pablo virgilio david CBCP

“Our low regard and inaction to politics will not bring development. Let us not gamble the future of our country,” ani David.

Sa kanya pang pahayag, idinepensa nito ang pakikialam ng simbahan sa politika.

Ang ginagawa raw ng mga pari ay upang gabayan ang taongbayan sa tama at wastong iboboto na siyang mamamahala sa buong bansa.

Binigyang diin din nito na hindi raw dapat ituring na kalaban ang mga hindi sumasang-ayon sa paniniwala ng iba.

Dahil ito raw ang tamang attitude ng pagiging isang Kristiyano.

Giit niya, ang prinsipyo ng kasinungalingan o si satanas lang ang ating kalaban.

Hinimok nito ang lahat na makilahok at labanan ang kasinungalingan at hindi lang aasa sa resulta ng survey, social media, disinformation o ang pagboto ng mga popular na kandidato.

Huwag din daw iasa sa iba ang kinabukasan ng bansa kaya kailangan daw na kumilos ang lahat.

“Wag magbulag bulagan at magbingi-bingihan. Wag matakot.”

“Let us fight indifference. Let us be concerned for the welfare of others,” wika pa ni Bishop David. “We are all interconnected. What’s bad for them is bad for us.”

Kasabay nito, patuloy din daw na na hinihimok nila ang mga Katoliko ang lahat na patuloy na magdasal, gumawa nga kabutihan sa kapwa, mag-offer ng sacrifices at hilingin sa Maykapal ang “credible, peaceful, at successful na election para sa kabutihan ng lahat.”

Muli ring ipinanawagan ng simbahan sa mahigit 60 million Filipino voters na bomoto ng tama at piliin ang God fearing candidates na may mabuting puso.

Layunin din ng nasabing okasyon ay bilang sagot ng CBCP sa kanilang pastoral letter na “Be Concerned About Welfare of Others.”