-- Advertisements --
Napilitang ihinto ng singer ng bandang Radiohead na si Thom Yorke ang kaniyang konsiyerto matapos ang pagwawala ng isang audience.
Nangyari ang insidente sa kaniyang Australian solo tour ng sumigaw ang isang audience na nagsasabing dapat kondinahin ang Israel sa mga genocide na ginawa nito sa Gaza.
Sinagot naman ni Yorke ito at niyaya niya ito sa stage.
Bahagyang umalis si Yorke sa stage at matapos ang ilang minuto ay bumalik din ito agad.
Inilabas naman ng mga nakatalagang security ang nanggulong audience.