Bumwelta si House Special Committee on Bases Conversion Chairman Jay Khonghun ng Zambales kay dating Agriculture Sec. Manny Piñol kaugnay ng pagbatikos nito sa administrasyong Marcos dahil umabot na sa P16.63 trilyon ang utang ng bansa.
Tinawag ni Khonghun na “brazen hypocrisy” ang tangka ni Piñol na baluktutin ang katotothanan at ginagamit ito upang siya ay makabalik sa politika.
Sinabi ni Khonghun sa administrasyon ni Duterte lumubo ang utang ng bansa saP7.2 trillion sa loob ng anim na taon.
Ang maling impormasyon ay ipinahayag ni Piñol sa isang campaign sortie sa North Cotabato, kung saan kumakandito itong gubernador.
Ayon kay Khonghun, ang pagtatangka ni Piñol na gamiting isyu ang utang panlabas ng bansa laban sa kasalukuyang administrasyon ay nakakatawa lalo na’ at may mga isyu siyang kinaharap noong siya ay nasa gobyerno.
Binigyang-diin ng lider ng Kamara na ang administrasyong Marcos ay nagmana ng isang mahirap na kalagayang pinansyal dahil sa mga utang na iniwan sa panahon ni Duterte, kung saan karamihan sa mga ito ay inaprubahan nang walang masusing pagsusuri at transparency at ginamit na dahilan ang pandemya.
Nauna rito ay nanawagan si House Deputy Majority Leader Janette Garin sa pagsasagawa ng imbestigasyon ng Kongreso tungkol sa P7.2-trilyong inutang ng administrasyong Duterte, at sinabi niyang ang walang kontrol na pangungutang noong panahon ng pandemya ay lubhang nakaapekto sa pinansyal na kapasidad ng bansa.