Hinikayat ni Representative Brian Raymund Yamsuan sa bagong talagang pinuno ng Bureau of Fire Protection (BFP) na siguraduhin na may sapat na protective gear at kaalaman ang lahat ng mga personnel nito particular sa mga advanced na pamamaraan sa paglaban sa sunog at pagtugon sa emergency, alinsunod sa mga modernization initiatives ng ahensiya.
Naniniwala si Yamsuan na panahon na para maging advanced din ang kaalaman ng mga bumbero.
Pinuri din ni Yamsuan ang pagkakatalaga kay Fire Director Jesus Piedad Fernandez bilang bagong BFP chief at umaasa na sa ilalim ng termino ng huli, sa wakas ay matatapos na ng ahensya ang perennial backlog ng mga firetruck sa bansa sa pamamagitan ng pagtiyak ng transparency at level playing field para sa lahat ng prospective supplier sa mga proseso ng bidding ng BFP.
Si Fernandez, ay dating itinalaga ni Department of the Interior and Local Government Secretary (DILG) Jonvic Remulla bilang officer-in-charge ng BFP, siya ang pumalit kay dating fire chief Louie Puracan, na nagretiro na sa serbisyo.
Kumpiyansa si Yamsuan na sa ilalim ng pamumuno ni Fernandez, magkakaroon na ng tig isang modern firetrucks ang mga siyudad at munisipalidad .
Inihayag ni Yamsuan sa pagkamit ng mga hangarin dapat ma complement ito sa pamamagitan ng mga advanced training programs para sa BFP personnel hindi lamang bilang mga firefighters kundi maging first responders sa panahon ng kalamidad at emergencies.
Isinusulong ni Yamsuan ang isang panukalang batas na layong i-require ang mga BFP personnel na maging certified medical first responders and emergency medical technicians.
Tinukoy ni Yamsuan ang House Bill (HB) 6512, na layong i-require mga BFP regional directors naa magtalaga ng isang uniformed personnel na magsisilbing emergency medical technician.
Inihayag ng Kongresista na ang BFP ay maaring makipag partner sa ibang mga government agencies at maging sa private sectors para magbigay ng mga trainings at seminars sa mga tauhan nito.