Hinikayat ng isang mambabatas si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na muling pag-isipan ang Pagkakatalaga kay Vice Presidente Sara Duterte bilang kalihim ng Department of Education.
Kasunod ito ng mga naging maanghang na pahayag ni First Lade Liza Araneta-Marcos Kung saan inamin nito na “bad shot” na para sa kaniya ang Bise presidente dahil sa naging pagdalo at pagtawa nito sa mga personal na pag-atake ng ama nitong si dating Pangulong Rodrigo Duterte laban kay President Marcos Jr.
Ayon kay ACT Teachers Representative France Castro, kinikilala niya na prerogative ng Pangulo ang pagpili sa mga magiging miyembro ng kaniyang gabinete, maging ang mga ito man ay hindi buong pusong sumusuporta sa kaniya.
Gayunpaman ay iginiit niya na mas kinakailangan ng Department of Education ng isang pinuno na mas kwalipikado at may sapat na karanasan sa sektor ng edukasyon na “Hands on” at “competent” na education secretary.
Aniya, kung sakaling palitan man ni Pangulong Marcos Jr. ang kaniyang kalihim ay dapat na ang piliin nito ay mas karapatdapat at nagdesisyon Para sa mas ikabubuti ng sektor ng edukasyon.
Samantala, kasabay nito ay Inihayag din ni Castro na isa lang aniya ang kaniyang masisiguro, na ang dating “Uniteam” ay hindi na nagkakaisa, at ang hidwaan sa pagitan ng mga Marcos at Duterte ay mas lumalim pa.