Muling hinikayat ni OFW party-list Rep. Marissa Magsino ang mga manggagawang Pilipino sa ibayong dagat na magparehistro na sa Comelec para maging bahagi ng makasaysayang internet voting sa nalalapit na 2025 elections.
Ginawa ng mambabatas ang pahayag kasunod ng hakbang ng poll body na dalhin ang Register Anywhere Program sa OFW Tulong at Serbisyo Center sa isang mall sa lungsod ng Parañaque.
Makatutulong aniya ang Register Anywhere Program upang mahikayat ang mga OFWs at overseas Filipinos na magparehistro para sa nalalapit na halalan.
Layon nito na maging bahagi ng kasaysayan ang OFWs sa gaganaping internet voting sa 76 foreign posts.
Batay sa datos ng Comelec, aabot sa 1.1 million registered overseas voters na ang kanilang naitala noong Pebrero ng kasalukuyang taon.
Target ng ahensya mapataas pa ang bilang ng mga overseas voters na makarehistro para bumoto sa 2025 midterm election.