Nananawagan si Representative Brian Raymund Yamsuan sa mga kapwa mambabatas na aprubahan na ang panukalang digitalization sa public school system na layong bigyan ng inisyal na P500 million investment ng gobyerno.
Sinabi ni Yamsuan isa sa may akda ng panukala na sa ilalim ng House Bill 276 or the proposed Institutionalization of Digital Technology in Public Education Act, mabibigyang-daan na ang modernisasyon sa mga public schools sa bansa at matutulungan na rin ang mga guro at estudyante na gamitin ang technology bilang isang powerful educational tool.
Ipinunto ni Yamsuan na hindi gaya sa mga pribadong eskwelahan kung saan ang mga estudyante ay maaaring mag shift sa online classes sa panahon ng bagyo, pagbaha at iba pang mga emergencies.
Aniya sa public schools walang opsyon kundi magsagawa ng makeup classes o gagamit ng modules kapag suspendido ang face to face classes.
Dagdag pa ng Kongresista sa bagong guidelines ng DepEd sa class suspension Binigyang-diin ni Yamsuan panahon na para mag invest ang gobyerno sa digital technology sa mga pampublikong paaralan.
Giit ng Kongresista dapat ma-institutionalized na ang digitalization sa mga public schools ng sa gayon maging handa tayo sa anumang mga hamon na kahaharapin sa ating education systemk sa hinaharap.
Naniniwala si Yamsuan malaki ang ambag ng digitalization upang matiyak na ang mga estudyante ay future-ready at globally competitive.
Sa nasabing panukala inaatasan ang DepEd na bumuo ng Digital Technology Road Map para sa mga Public Schools sa pakikipag tulungan ng Department of Information and Communications Technology (DICT), Department of Science and Technology (DOST) at Commission on Higher Education (CHED).