LEGAZPI CITY – Ipinanukala ng isang Bikolanong mambabatas ang paglalagay ng intermodal terminals sa Metro Manila bilang sagot sa malalang problema sa trapiko sa EDSA.
Ayon kay Ako Bicol Party-list Representative Alfredo Garbin Jr. sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, “connectivity” ang susi sa naturang isyu.
Kaugnay nito, kailangan aniya na sa pagbaba pa lamang sa terminal ay mayroon nang malapit na Light Rail Transit (LRT), subway at paliparan.
Dagdag pa ng mambabatas na komplikado ang problema na nangangailangan ng long term solution mula sa mga eksperto.
Samantala, hindi maiwasang magpatutsada ni Garbin sa plano ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na ipagbawal ang pagpasok ng mga provincial bus sa EDSA.
Iginiit nitong hindi sakop ng polisiya ng national government ang plano habang walang pag-aaral at data na sumusuporta rito.